Loading...

Breaking News

Da WHO: Bakit ‘di ni-renew ang kontrata ni TV Host/Actress?

LUKANG-LUKA ang big boss ng isang network sa talent nilang TV host/actress na hindi raw malaman kung ano ang gustong gawin sa buhay.

“Naguguluhan si _____ (big boss) kung ano ang forte ni _____ (TV host/actress), kung seryosong aktres, TV host o komedyana kasi ito raw ang feedback sa kanya,” kuwento sa amin ng isa sa mga executive ng network.

Tanong namin sa aming kausap, ayaw ba nila ng multi-talented na kahit saan ilagay ay kayang gampanan lahat?

“Eh, iba kasi ang nakakarating kay Boss, kaya hindi na niya pinayagang mag-renew ng kontrata si _____ (TV host/actress),” pagtatapat sa amin. 

Sabi namin, iba ang nakarating na balita sa amin. Kaya raw hindi ni-renew si TV host/actress dahil siniraan siya ng isa pang TV executive na may ibang aktres na gustong ipasok sa project.

“Posibleng ganyan din, kasi sila-sila nagsisiraan, ‘tapos magtuturuan, pare-pareho namang walang nagawa,” sabi ulit sa amin.

Wa’ na clue. Konti na lang, knowing na.

Written by: Reggee Bonoan

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

2 comments:

  1. Parang si Angelica Panganiban ito

    ReplyDelete
  2. Jennylyn Mercado? Base sa mga clue madaling mahulaan

    ReplyDelete