Loading...

Breaking News

Kapuso Network ire-remake ang telefantasya "Encantadia" sa 2016.

Kumpirmadong ire-remake sa susunod na taon ang sikat noon na telefantasya ng GMA na Encantadia na tiyak pag-uusapan at aabangan ng mga pinoy.

Taong May 2, 2005 ito umere sa Kapuso Network at talagang inabangan ang istorya nito na umabot sa pitong buwan sa ere at nagkaroon ng sequel via Etheria.


According to the head writer na si Suzette Doctolero and we quote:

"Encantadia 2016 is going to be remake and not a sequel"

Sa pagbubukas ng lagusan inaabangan na rin kung sino ang gaganap sa mga karakter na Amihan, Alena, Danaya at Pirena sa makabagong henerasyon.

Isa din sa mga inaabangan na karakter sina Ybarro, Mira, Lira at Ynang Reyna Minea na tumatak sa puso ng mga pinoy.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa GMA Network kung kailan ito maipapalabas, ang tanong ito na ba ang susi at sagot upang mabawi ng GMA ang pagrereyna nila sa primetime? Yan ang pakaabangan.

Lumabas din ang mga pangalan nila Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Bea Binene, Rhian Ramos at Jennylyn Mercado sa mga makakasama sa Encantadia remake.

May ilang netizens din ang pinupush na maging Pirena si Thea Tolentino ang bida sa afternoon drama series na The Half Sisters.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments