Loading...

Breaking News

Kapamilya Stars bumida at ipinamalas ang pang world class na talento sa APEC Summit 2015.

Ilang Kapamilya Stars ang humataw sa katatapos lang na APEC Summit 2015 at ipinamalas nila ang kanilang pang world class na talento sa mga lider na kasapi sa APEC 2015.

Pinangunahan nila Charice, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jed Madela, Jessica Sanchez at Apl de Ap sa APEC welcome dinner na naganap noong Nobyembre 18 at ipinakita nila ang talento ng mga pinoy.


Kasama ni Jessica Sanchez na nag perform ang Asia Got Talent Grand Winner na El Gamma Penumbra na talagang pinalakpakan.

Nasilayan din sa APEC Summit ang The Voice Kids contestants na sina Reynan dal Anay, Juan Karlo Labajo at Darren Espanto na kumanta ng APEC theme song.

Hindi din nagpakabog sina Angeline Quinto, Ogie Alcasid (TV5), Cecil Licad, Radha, Jett Pangan, Pops Fernandez at Erik Santos.

Mukhang mabenta ang Kapamilya Stars sa naganap na APEC Summit pero marami ang nagtatanong kung bakit nga ba hindi nasilayan ang ilang Kapuso katulad ni Regine Velasquez sa nasabing pagtitipon.

Totoo nga bang naetsapwera ang Kapuso Stars sa pagtitipon?

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. wala talagang pang world class sa GMA, yung Aldug nila sa kengkoyan lang magaling, hindi totoong world class....hayyy naku sa kababawan lang sila number 1

    ReplyDelete