Loading...

Breaking News

Da WHO: Leading Lady sa isang show inireklamo dahil napa-pack-up ang taping dahil hirap makaarte!

Nagrereklamo ang cast ng isang show dahil napa-pack-up ang taping nila at dahil ito sa leading lady ng show na hirap makaarte.

Talo nga naman ang cast na kasama sa eksena ng aktres dahil ’pag na-pack-up sila, wala silang talent fee.

Marunong namang umarte ang aktres at nagbida na rin sa soap, kaya nagtataka ang production kung bakit sa bago niyang show, hirap siyang umarte nang tama at hinihingi ng kanyang role at ng kanyang director.

Mabuti na lang at wala pang ina-announce ang network kung kailan ang airing ng bagong show ng aktres. Puwede silang mag-reshoot at mag-pack-up ’pag hindi makaarte ang aktres.

Pero hanggang kailan at ilang pack up pa ang mangyayari bago makaarte nang tama ang aktres?


Written by: Nitz Miralles

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments