Loading...

Breaking News

OH MY G! Star Julia Buencamino Found Dead in Apparent Suicide.

Pumanaw na ang 15-year-old daughter nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia Louise Buencamino dahil sa apparent suicide.

Si Julia, na isa ring artista gaya ng kanyang mga magulang, ay bahagi ng ABS-CBN daytime series na Oh My G!, kung saan gumanap siyang best friend ng bidang si Janella Salvador.


Ayon sa imbestigador ng kaso na si PO3 Victorio Guerrero, natagpuan si Julia ng kanilang kasambahay na wala ng buhay sa bahay ng mga Buencamino sa Quezon City bandang alas-otso ng gabi, nitong Martes, July 7.

Idineklara siyang dead on arrival sa Cardinal Santos Medical Center, sa San Juan City.

Ayon naman sa report ng DZMM, pinakiusapan ni Nonie ang mga awtoridad na huwag nang ituloy ang imbestigasyon dahil kumbinsido siyang nagpakamatay nga ang kanyang anak.

Si Julia ay bunso sa apat na anak nina Nonie at Shamaine.

Sa St. Joseph Chapel ng Mt. Carmel Shrine, Broadway Avenue, New Manila, Quezon City isasagawa ang wake ni Julia simula 2 P.M. ngayong Miyerkules.

Sa Linggo, July 12, nakatakdang isagawa ang cremation ng 15-year-old actress.


Narito naman ang naging reaksyon ng ilang netizens at kanyang fans sa balitang ito.

Super sad ng drawing niya.. Makikita tlaga natin na sad siya.. Na depress siya.. Haayy, bestie aimee.... Nakakalungkot nman isipin na nakaya mong gawin yun 




Ayon sa isa nyang taga suporta tila nagpahiwatig na diumano ang batang aktres sa kanyang ipininta na ipinost nya sa kanyang instagram at binigyan nila ito ng kahulugan.





A photo posted by julia buencamino (@hoolianabanana) on

A photo posted by julia buencamino (@hoolianabanana) on

A photo posted by julia buencamino (@hoolianabanana) on

A photo posted by julia buencamino (@hoolianabanana) on

No comments