Marian at iba pang GMA programs wagi sa Nationwide Ratings
Noong nakaraang Sabado nagpropose ang Primetime King ng GMA na si Dingdong Dantes sa kanyang fiance na si Primetime Queen Marian Rivera.
Maraming mga viewers ang kinikilig at napaluha ng magpropose si Dingdong kay Marian. Ang naturang propose pinagusapan ng maraming netizens sa social networking sites na Twitter at Facebook. Ilan sa mga nagtrend na hashtag sa Twitter (Worldwide and Local) ay ang #LastDance, #Marian at #DongYan.
Hindi lang ito trending sa social networking sites kundi wagi din ito sa ratings sa buong bansa. Base sa datos ng AGB Nielsen Media Research. Nakakuha ang "Marian" ng 10.9% sa buong bansa laban sa katapat na Home Sweetie Home 8.7% / Wansapanataym na 10.8%. Nangunguna ang Marian sa ratings sa Mega Manila nakakuha ito ng 27.1 lagpas sa kalahati na nakuha lang ng Home Sweetie Home na 13.1% at Wansapanataym na 14.4%.
Hindi rin pinalagpas ng manonood ang reality-sitcom na "Pepito Manaloto" na nagtrending din sa twitter. Nakakuha ang Pepito Manaloto ng 16.7% sa Mega Manila laban sa katapat na "Ang Kuwento ni Marc Logan" na nakakuha lang ng 11.8%. Panalo din ang Pepito Manaloto sa buong bansa nakakuha ito ng 7.1 percent laban sa katapat na 6.9%.
Nanguna din ang "Magpakailanman" na iosang drama anthology na hango sa totoong kuwento ng mga tao nakakuha ito ng 26.5% sa Mega Manila laban sa MMK na 20.2% lamang. Tie naman ang dalawang programa sa buong bansa nakakakuha ang dalawang programa ng 11.1%.
Ang 2 taon na game comedy program na "Celebrity Bluff" din rin papatalo nakakuha ito ng 22.7 sa Mega Manila laban sa katapat na "Pinoy Big Brother" na nakakuha lang ng 15.4%. Wagi din at nangunguna din sa buong bansa ang "Celebrity Bluff" na nakakuha ng 9% laban sa katapat na 8.8%. Ang award winning comedian host na si Eugene Dominggo ang host ng programa. Nagguest din last Saturday si Marian Rivera sa Celebrity Bluff.
Tila solid na solid at bumalik ang dating kasiglahan ng GMA Sabado Star Powers sa Ratings.
No comments