Loading...

Breaking News

Kapamilya Stars Empress Schuck at Kiko Estrada magiging kapuso na rin ba?!

Sina Empress Schuck at Kiko Estrada ay napapabalita ring lilipat ng istasyon specifically GMA Network. Ilang mga blind items ang nagsisilabasan patungkol ditto. Kasama dito si Martin Del Rosario na kamakaylan lang ay may nagkompirma na tuluyan na ngang iiiwan ni Martin ang dos ngunit hindi pa to opisyal dahil wala pang opisyal na pirmahan sa kampo ni Martin at ng GMA 7.

Samantala, kasama ni Martin sa nasabing blind item ay itong si Empress Schuck na napapabalita ring mag-gugood bye na nang tuluyan sa dos. 


Matatandaan bihira nang lumabas sa mga shows itong si Empress, walang serye at wala nalalapit na seryeng gagampanan ngunit paminsan lumalabas pa naman siya sa ASAP 19. Sabi ni Empress sa isang interview niya, mahal niya ang dos ngunit kung wala nang balak ang management para sa career niya may mga bagay na dapat na pag-isipan ng mabuti. 

Ayon sa kanya kung may balak ang dos eh di maganda pero kung wala kailangan niyang magdesisyon masakit man pero kailangan. Pero mananatili mahal niya ang ABS-CBN Network.

Sa kabilang banda, pati ang young actor na si Kiko Estrada ay binabalak na lisanin ang dos at muling magbalik sa kanyang mother network ang GMA 7. Kung matatandaan si Kiko ay galing sa isang youth oriented show sa GMA 7 matapos nito ay lumipat rin siya sa ABS-CBN. At ngayon binabalak niyang iwan muli ang dos matapos magwakas na nung Friday ang kanyang seryeng kinabibilangan ang ANNALIZA.

Ngunit lahat nang ito ay wala pang pormal na pirmahan ng kontrata sa nasabing network (GMA 7). Maaring anumang araw ngayon ay may maganap na pirmahan sa pagitan ng GMA Network at nila Empress, Kiko at Martin.


Written by: Admin Yale of Philippine Current Gossips

No comments