Loading...

Breaking News

Carla Abellana wagi bilang Outstanding Performance by an Actress in a Drama Program sa 5th Golden Screen TV Awards.

Kung si Dennis Trillo ang siyang nakakuha ng Outstanding Performance by an Actor in a Drama Program para sa seryeng My Husband’s Lover, Si Carla Abelana naman ang siyang nagwagi bilang Outstanding Performance by an Actress in a Drama Program. 


Sa seryeng ito, nakatanggap si Carla ng mga papuri para sa di niya matatawarang husay na pinamalas sa nasabing serye, na pati ang mga taga ibang network na artista ay nagpa-abot ng papuri sa aktres.

Natalo ni Carla Abellana para sa parangalan na ito ang ilan ring mahuhusay na aktres kabilang sina Bea Alonzo para sa A Beautiful Affair, Gina Alajar para sa seryeng Hiram na Puso, Jodi Sta. Maria para sa morning series na Be Careful with My Heart, Kim Chiu para sa seryeng Ina, Kapatid, Anak, Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali, Maja Salvador ng Ina, Kapatid, Anak, Marian Rivera para sa Temptation of Wife at kaisa-isahang TV5 Actres na si Ritz Azul para sa seryeng Misibis Bay.


 Written by: Admin Yale of Philippine Current Gossips

No comments