Loading...

Breaking News

ABS-CBN numero unong istasyon na pinakatutukan sa buwan ng setyembre ayon sa AGB Nielsen Philippines.

Base sa inilabas nang AGB Nielsen Philippines ang ABS-CBN ang pinakatutukan na istasyon sa buwan ng setyembre.

Nanguna sa listahan ang action fantasy na Juan dela Cruz ni Coco Martin na nakapagtala ng 30.10% kasunod ang romantic comedy series na Got to Believe 28.30%  na pinagbibidahan naman nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nasa ikatlong pwesto ang drama series na Anna Karenina na nakapagtala ng 26.70% at TV Patrol na nakakuha 25.20% at nasa panglima naman na pwesto ang Maalaala Mo Kaya na umabot sa 24.10%.

Samantala ang GMA7 ang nanguna istasyon sa Urban Luzon nakapagtala ito ng 37.50% laban sa ABS-CBN na umabot lang sa 30.60%.

Wagi ang ABS-CBN sa Visayas nakapagtala ang ABS-CBN ng 47% laban sa GMA7 na umabot lang sa 20% ang nakuha.

Sa balwarte naman ng Mindanao ay nanguna parin ang ABS-CBN nakapagtala ito ng 50% laban sa GMA7 na umabot lang sa 18 at nakadikit naman ang TV5 na nakapagtala ng 17.2%.

Sa NUTAM (Total Urban Philippines) o Nationwide Ratings ang ABS-CBN ang mas pinapanuod ng mas nakakaraming pilipino sa buong bansa nakapagtala ito ng 38.5% laban sa GMA7 na umabot lang sa 32.8% at nasa pangatlong pwesto naman ang TV5 na nakapagtala ng 13%.

ABS-CBN ang no.1 TV Station sa buwan ng September base parin yan sa AGB Nielsen Philippines at Kantar Media Philippines.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment: