Loading...

Breaking News

ABS-CBN, madami pang pasabog!

Dahil 60th Anniversary ng ABS-CBN ngayon sunod-sunod ang mga programang inilulunsad nila at talagang binabago nila ang viewing habit ng mga Pilipino.

Kaya't narito ang ilan sa mga bigating programang ipapalabas ng ABS-CBN ngayong paparating na 4th Quarter ng 2013.

Isa na diyan ang pagbibidahan ni Andi Eigenmann na "Galema:Anak Ni Zuma" na nakatakda sanang ipalabas noon sa Primetime Bida pero biglang inilagay sa Kapamilya Gold. Magsisimula ito ngayong September 30 at 4:15pm pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters.

Isa pa ay ang bigating Teleserye ni Thalia na "Maria Mercedes" na gagampanan ni Jessy Mendiola. Mapapanood na ito ngayong October 7 at 9:15pm pagkatapos ng Got To Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Iilan pa lamang yan sa mga handog na programa ng ABS-CBN nayong taon. Mas marami pa ang paparating kaya tutok lang at ihanda ang mga sarili.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com
Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments