Youtube Channel ng ABS-CBN, pumalo na sa 1 Bilyong Views.
Pumalo na sa 1 bilyong views ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment kahapon (Mar 17).
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang Filipino YouTube channel ay umabot sa one billion mark sa popular na video-sharing website.
Patok na patok ang sa netizens ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel (www.youtube.com/user/abscbnonline) , na kasalukuyang may 1.6 milyong subscribers, dahil sa natatangi at mabilis nitong updates sa mga programa o stars ng Kapamilya Network. Mapapanood dito ang mga episode highlight, pinag-uusapang mga eksena, musical numbers, full trailers, at daily plugs.
Mas level up din ang experience dahil sa eklusibong videos mula sa “Kapamilya Chat” ng ABS-CBN.com at behind-the-scenes features sa set ng mga top-rating Kapamilya show.
Sa ngayon, ang 2009 ABS-CBN Christmas station ID pa rin ang nananatiling pinakapinanood na video sa naturang YouTube channel na may mahigit 11 milyong views. Mabenta rin sa netizens ang mga performance mula “ASAP” at “It’s Showtime.”
Isa ang ABS-CBN sa piling mga kumpanya sa mga bansa na may sertipikasyon mismo mula sa YouTube. Para mas lalo pang pag-ibayuhin ang pagba-browse ng Kapamilya netizens, maglulunsad ang ABS-CBN ng mga bago at orihinal na content sa iba’t iba nitong YouTube properties sa mga susunod na buwan.
Kabilang din sa mga YouTube channel ng ABS-CBN ang ABS-CBN News (TheABSCBNNews), ABS-CBN Star Cinema (ABSStarCinema), ABS-CBN Sports (abscbnsports), at ABS-CBN Star Music (starrecordsinc), na kung pagsasamasamahin kasama ang ABS-CBN Entertainment ay pumapalo na sa mahigit 2 bilyong views.
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments