Loading...

Breaking News

Lexi Fernandez at Yassi Pressman "OUT" na sa pagiging "Bea Bianca" sa remake na Pangako Sa'Yo.

Nangangahulugan na OUT na sa pagiging Bea Bianca o Electrika Powers ang dalawang dating kapuso na sina Lexi Fernandez at Yassi Pressman sa  remake na Pangako Sa'Yo.

Nag-anunsyo ang Kapamilya Network na hanggang ngayon ay wala pang napipili gumanap na "Bea Bianca" sa hit na teleserye Pangako Sa'Yo.


Ang karakter na Bea Bianca ay isa sa mga inaabangan na karakter at napaka swerte nito kung sino ang gaganap dahil ito ang magiging karibal ni Yna Macaspac na ginagampanan ni Kathryn Bernardo sa puso ni Angelo Buenavista na ginagampanan naman ni Daniel Padilla.

Matatandaan na si Vanessa del Bianco ang gumanap sa orihinal na Pangako Sa'Yo at kinainisan ito ng pinoy viewers noon.

Sino kaya ang maswerteng gaganap na Bea Bianca? malapit na malaman ang sagot dahil ngayong darating na Sabado (June 6) nakatakda sila magpa audition sa nasabing karakter.

Si Yassi Pressman ay nag-audition bilang Bea Bianca pero tila hindi para sa kanya ang naturang role ganun din si Lexi Fernandez na inalok noon sa nasabing karakter pero bigo silang mapasakanila ang pagiging Electrika Powers.

Hindi natin masasabi kung makakasama sila sa remake na Pangako Sa'Yo dahil marami pang karakter ang hindi pa lumalabas, malay natin ibang karakter ang inalok sa kanila.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments