Loading...

Breaking News

Pilot episode nang Mirabella nakapagtala ng 22% laban sa Paraiso ko'y Ikaw na nakakuha ng 10% na ratings.

Pagkatapos ng Annaliza na bumago sa takbo ng early primetime isang fantasy drama naman ang pumalit dito na inabangan ng mga pinoy viewers.

Wagi ang pilot episode ng Mirabella na pinagbibidahan nila Sam Concepcion, Enrique Gil at Julia Barretto at nakapagtala ito ng 22% ayon yan sa datos mula sa Kantar Media Philippines.

Talo ang serye Paraiso ko'y Ikaw na pinagbibidahan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez na nakakuha ng 10% na ratings.

Hindi din nakatulong at walang kilig factor ang tambalang Kristoffer at Kim sa telebisyon kaya minabuti ng GMA7 na tapusin na lang ang naturang programa.

Nakatakda din magtapos ang serye Paraiso ko'y Ikaw sa early primetime at balitang tatapatan ito ng bagong romantic-comedy series, ang tanong mapatumba kaya nito ang katapat na programa yan ang pakaabangan.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments