Loading...

Breaking News

Yam Concepcion gustong gumanap bilang “Darna” kaya bato nito gustong lunukin!

Dahil nasa kapamilya network na ang gawa ni mars ravelos na Dyesebel, Captain Barbell, Darna at marami pang iba ay maraming nag-aasam at nangangrap na mga kapamilya stars na sila ang gaganap sa ireremake na mga nasabing superhero.

Isa na dyan ang kilalang pinay superhero na Darna kaya maraming netizens ang nagtatanong kung sino bang maswerteng kapamilya star ang gaganap na Darna.

Nagpahayag naman ang bagong kapamilya star na si Yam Concepcion na bida sa afternoon serye na Dugong Buhay na gusto nya gumanap na Darna at may K naman syang lumunok ng bato ni Narda. Infairness kay Yam kung paseksihan lang ang labanan ay may ibubuga ang baguhan aktres at kung aktingan naman ang pag-uusapan aba mahusay naman sya umarte.

Pero may ilang netizens ang nagtaas ng kilay dahil aniya ang role na Darna ay para lang diumano ito kay Angel Locsin na gumanap na nuon nung nasa kapuso station pa ito, kaya sya ang dapat lumunok ng bato at wala ng iba.

Ang kapamilya network parin ang makakapagdesisyon kung sino ang napupusuan nila na gumanap na Darna balita kasi bukod sa teleserye ito ay gagawin din daw pala itong isang pelikula.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments